Mga bumibili ng prutas sa Divisoria matumal pa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Mga bumibili ng prutas sa Divisoria matumal pa

Mga bumibili ng prutas sa Divisoria matumal pa

ABS-CBN News

Clipboard

Matumal pa rin ang bentahan ng mga prutas sa Divisoria sa Maynila, ilang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA — Pinipili isa-isa ni Teresita Joson ang mga prutas na inihahanda niya sa Media Noche o iyong pagsasalusalo tuwing hatinggabi ng Bagong Taon.

Kahit mahirap ang buhay ngayong may pandemya, tuloy pa rin aniya ang tradisyong pagbili ng mga hugis bilog na prutas pampa-suwerte sa susunod na taon.

"Sana maging okay na tayo. Mawala na COVID. Healthy tayo lahat," ani Joson nang tanungin ang kaniyang hiling para sa 2021.

Kahit maraming tao sa Divisoria sa Maynila, matumal pa rin ang bentahan ngayong taon dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT

Iyong iba'y paisa-isa lang ang binibiling bilog na prutas.

"Dating isang kilo, ngayon kalahating kilo na lang. Dating isang dosena, [ngayon] tatlo [o] apat na piraso na lang," anang tinderang si Marilyn Buenabajo.

"Dati, masikip. 'Di kami [nakakapagpahinga], nagkakagulo. Ngayon, nakakapagpahinga pa kami," kuwento naman ng tinderang si Vina Lovedorial.

Narito ang presyo ng ilang mga prutas:

  • Ponkan/ orange - 4 for P100 o may P10 kada isa
  • Fuji apple - 4 for P100 o P25 hanggang P30 kada isa
  • Lemon - P10 kada isa
  • Pomelo - P100 hanggang P130
  • Seedless grapes - P180 kada kilo
  • Kiat-kiat - P50 kada net

Inaasahang lalo pang tataas ang presyo sa paglapit ng Bagong Taon.

Tuloy-tuloy naman ang clearing operation sa Divisoria. May mga pulis na pinapaalis ang mga karitong may prutas sa Recto Avenue para hindi sumikip ang trapik sa lugar.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.