Speaker, gustong Kongreso ang mamahala sa prangkisa ng bus, jeep | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Speaker, gustong Kongreso ang mamahala sa prangkisa ng bus, jeep

ABS-CBN News
Published Dec 28, 2017 08:59 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Isinusulong ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa Kongreso na mamahala sa prangkisa ng mga pampublikong sasakyan.

Kung masusunod ang panukalang House Bill No. 6776 na iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez at walo pang kongresista, pagsasamahin na lang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang Land Transportation Authority na mangangasiwa sa land transportation sa bansa.

Magkakaroon ito ng isang board na may chairman, apat na miyembro at director general na magsisilbing chief operating officer.

"Upang sa gano'n ay namo-monitor deretso 'yong mga nabibigyan ng pragkisa, ito ba ay legitimate operators, ito ba ay nakarehistro 'yong mga sasakyan, ito ba may colorum na buses na tumatakbo, kasi sa ngayon, walang gano'n," paliwanag ni Alavarez.

Ibabalik din ng panukalang ito sa Kongreso ang kapangyarihang magbigay ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan.

Ipagbabawal ng panukala na mag-operate nang walang prangkisa mula sa Kongreso at maghihigpit din sa rekisito sa mga aplikante.

Dapat may sapat na kapital, P30 milyon para sa bus operator, P10 milyon para sa jeep, taxi, at iba pa.

Limitado rin dapat ang hatian kung may kasosyong dayuhan.

Dapat may sapat na kakayahan, karanasan, at kagamitan sa pagpapatakbo ng pampublikong sasakyan.

Dapat mayroon ding sapat na garahe o terminal.

Pati mga transportation network company gaya ng Grab at Uber kailangan din ng prangkisa mula Kongreso.

Pinag-iisipan pa ni Alvarez kung pati tricyle ay dapat sa Kongreso na rin kumuha ng prangkisa.

"Kung ito ay malilipat na, kukunin ng Kongreso, doon pa lang sa committee hearings, matitiyak natin kung talagang itong nag-a-apply na ito ay mayroon talagang capability," sabi ni Alvarez.

Pero duda si Pasang Masda national president Roberto Martin sa balak na ipamahala sa mga kongresista ang pamimigay ng mga prangkisa.

Mahigpit na raw sa pag-iisyu ng franchise ang LTFRB.

"Sino sa kanila ang hahawak diyan? Congressman? Magkakaproblema tayo," ani Martin. "Ibang pulitiko nga natin hindi parehas sa pagtingin [sa mga prangkisa]."

Pinag-aaralan naman ng Grab Philippines ang panukala.

"We are currently reviewing the bill filed in the lower house by the honorable Speaker Pantaleon Alvarez," pahayag ni Leo Gonzales, tagapagsalita ng Grab Philippines.

Wala pang panig ang Uber kaugnay nito.
Wala pang panig ang Uber kaugnay nito.
Tumanggi naman si LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na magbigay ng panig sa panukalang inihain sa Kamara.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang LTO ukol sa panukala.

-- Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
RG Cruz
balita
transportasyon
pasada
Kamara
House speaker
Pantaleon Alvarez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT