3 huli sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong paputok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 huli sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong paputok

ABS-CBN News
Published Dec 28, 2017 04:29 AM PHT

Kahon-kahon ng mga hindi lisensyadong paputok kabilang na ang “sawa” at “sinturon ni Hudas”, nasabat ng mga operatiba ng QCPD District Special Operations Unit matapos ang isang entrapment operation sa Quezon City pic.twitter.com/OgaS4yMKBv
— Ron Lopez (@RonLopezPH) December 27, 2017

Arestado ang tatlong nagbebenta umano ng hindi lisensyadong paputok sa isang entrapment operation sa Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga nahuli na sina Maria Celeste, Alvin Abainza, at Danilo Tupas.

Narekober mula sa kanila ang tinatayang nagkakahalaga ng P90,000 ng iba't ibang uri ng mga paputok at pailaw.

Kabilang dito ang sawa, Judas' belt, Roman candle, at whistle bomb.
Kabilang dito ang sawa, Judas' belt, Roman candle, at whistle bomb.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Supt. Rogart Campo ng Quezon City Police District - District Special Operations Unit, nagkasa sila ng entrapment operation matapos mapag-alaman na mayroong bentahan ng mga paputok sa internet.

Nakipagkasundo ang operatiba ng DSOU sa mga suspek na bibili ito ng mga nasabing paputok.

Nakipagkita ang poseur buyer sa mga suspek sa isang fast food chain sa Mindanao Avenue.

Ipinakita ng mga suspek ang paputok na inilagay sa loob ng isang Isuzu Crosswind.

Dito na sila hinanapan ng otoridad ng karampatang dokumento tulad ng license to operate at permit to transport.

Ngunit walang maipakita ang mga suspek kaya sila hinuli. Mahaharap sila kasong paglabag sa section 4 of Republic Act 7183. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Read More:
Tagalog news
paputok
firecrackers
Quezon City
Quezon City Police District
District Special Operations Unit
Rogart Campo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT