90 porsiyento ng kabahayan sa Bulalacao, Oriental Mindoro winasak ni 'Ursula' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
90 porsiyento ng kabahayan sa Bulalacao, Oriental Mindoro winasak ni 'Ursula'

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2019 07:29 PM PHT

BULALACAO, Oriental Mindoro — Saan man tumingin, iisa lamang ang makikitang tanawin ngayon sa bayan na ito matapos ang paghambalos ng bagyong Ursula noong kapaskuhan.

Mga wasak na bahay, mga natumbang puno, at mga poste sa kalsada ang iniwang perwisyo ng naturang bagyo.

Ang bahay ni Mark Allen Merlin, mga piraso na lamang ang natira.
"Mahirap po sir, wala kaming tulong dito na natanggap... Wala kaming matirahan pero kinakaya naman po namin."

Malaki rin ang pinsala na tinamo ng Bulalacao Community Hospital.
Malaki rin ang pinsala na tinamo ng Bulalacao Community Hospital.
ADVERTISEMENT
Ang ibang pasyente, inilipat sa ibang ospital kahit 2 hanggang 4 na oras ang layo.

"Iyung natira pong walo, trinansfer po namin sa Roxas District dahil total blackout po kami, wala kaming ilaw... 'Yung iba po sa Calapan dinala sa provincial hospital," ani Bulalacao Community Hospital head nurse Ma. Adela Gonzales.

Ayon kay Bulalacao Mayor Ernilo Villas, halos 90 porsiyento ng mga bahay doon ang nasira at higit 40,000 residente ang apektado ng bagyo.
Paubos na rin ang suplay ng bigas sa kanilang bayan.

"Kailangan namin mga food packs at sa shelter assistance, mga roofing materials, yero, marine plywood," pakiusap ng alkalde.

Sa tindi ng pinsala ng bagyong Ursula, muling idineklara ang state of calamity kahit na nakapagdeklara na noong bagyong Tisoy.

Ayon kay Villas, sinabi sa kaniya ng mga taga electric cooperative na posibleng bago magbagong taon ay magkaroon na ng suplay ng kuryente.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV Patrol Top
Ursula
Bagyong Ursula
BULALACAO
Oriental Mindoro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT