Bangkay ng lalaki, natagpuan sa dalampasigan sa Bago City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa dalampasigan sa Bago City

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa dalampasigan sa Bago City

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

Clipboard

Hinala ng awtoridad na ang bangkay na natagpuan sa dalampasigan ay ang lalaking tumalon mula sa roro vessel sa Bacolod. Larawan mula sa Philippine Coast Guard Bacolod

BAGO CITY - Isang bangkay ng lalaki ang napadpad sa dalampasigan ng Barangay Taloc sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga.

Pinaniniwalaan na bangkay ito ng lalaking pasahero na tumalon sa roro vessel noong Lunes habang papalapit na sila sa Bredco Port sa Bacolod.

Ayon sa Philippine Coast Guard, pareho ang pagsasalarawan ng crew ng roro vessel sa bangkay ng lalaking natagpuan.

Nakasuot umano ng jersey ang bangkay ng natagpuang lalaki. Naka-jersey rin ang suot nang isalarawan ang lalaki ng kaniyang asawa.

ADVERTISEMENT

Dinala ng mga miyembro ng Bantay Dagat ang bangkay sa Barangay Punta Taytay sa Bacolod City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.