ALAMIN: Paano sinasagip ang mga nanlilimos sa kalsada? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano sinasagip ang mga nanlilimos sa kalsada?

ALAMIN: Paano sinasagip ang mga nanlilimos sa kalsada?

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 27, 2018 10:42 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paano tinutugunan ng mga awtoridad ang bilang ng nanglilimos na naglilipana tuwing holiday season?

Iyan ang tinalakay sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Miyerkoles

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Senior Inspector Myrna Diploma, sinasagip nila ang mga ito mula sa kalsada kasama ang ilang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nilinaw ni Diploma na hindi nila inaaresto ang mga ito dahil isinasalba lang umano nila ang mga nanlilimos mula sa disgrasya o peligro.

ADVERTISEMENT

"Kapag sila ay nasa lansangan delikado po... Baka sila ay masagasaan o maging biktima ng kahit anong krimen," ani Diploma.

Alinsunod ito sa Presidential Decree No. 1563 o "Mendicancy Law of 1978" kung saan ipinagbabawal ang panlilimos sa lansangan, maging ang pagbibigay ng limos.

"Oo naaawa tayo, pero bawal magbigay ng limos [kasi] habang may nagbibigay ng limos, may manlilimos diyan," ani Diploma.

Matapos ang rescue operations ay ibinibigay sa DSWD ang kustodiya ng mga nanlilimos para matugunan ang kanilang pangangailangan tulad ng pagkain.

Sa mga sitwasyon naman na ayaw sumama ng mga nanlilimos na may kasamang supling, kinukuha ng mga awtoridad ang bata at inilalagay ang mga ito sa kustodiya ng DSWD.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.