Higit 1,000 namamalimos sa langsangan, nasagip: NCRPO

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2018 08:24 PM

MANILA—Umabot na sa 1,030 ang mga namamalimos na nasagip sa Metro Manila, ayon sa pulis. 

Sinabi ni National Capital Region Police Office head Chief Superintendent Guillermo Eleazar na mula Disyembre 11 hanggang 25, may mga nasasagip pa ring mga namamasko sa mga kalsada. 

Pinakamarami sa mga na-rescue ay nagpakilalang mga katutubo.

Pinabalik sa probinsya ang mga nareskyu, habang ang ilang walang mauuwian ay binigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development.

Paliwanag ni Eleazar, ginawa ang pagsagip sa mga namamalimos alinsunod sa Mendicancy Law of 1978 na nagbabawal sa mga taong mamalimos sa lansangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.