Lalaki patay sa pamamaril sa Malabon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay sa pamamaril sa Malabon

Lalaki patay sa pamamaril sa Malabon

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 26, 2023 07:11 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang suspek sa Barangay Potrero, Malabon.

Nagkaroon ng alitan ang biktima at dalawang suspek nitong gabi ng Lunes, sabi ni PCol. Jay Baybayan, hepe ng Malabon police.

Pagkatapos ng alitan ay naglalakad sa Industrial Road ang lalaki nang malapitan siyang barilin gamit ng shotgun ng dalawang suspek.

Dead on the spot ang biktima na napag-alamang kalalaya lang sa kulungan noong Setyembre.

Nakuha rin sa gamit ng biktima ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, balisong at isang baril.

Ayon sa pulisya, posibleng katransaksiyon ng biktima ang dalawang suspek nang mangyari ang krimen.

Kilala na rin ng mga pulis ang dalawang suspek at tinutugis na ang mga ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.