Banggaan ng 2 pampasaherong bus sa EDSA, nagdulot ng pagsikip ng trapiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Banggaan ng 2 pampasaherong bus sa EDSA, nagdulot ng pagsikip ng trapiko

Banggaan ng 2 pampasaherong bus sa EDSA, nagdulot ng pagsikip ng trapiko

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang bus ang nagkabanggaan sa EDSA Carousel sa bahagi ng Muñoz sa Quezon City.
Dalawang bus ang nagkabanggaan sa EDSA Carousel sa bahagi ng Muñoz sa Quezon City.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa EDSA southbound lane sa bahagi ng Muñoz sa Quezon City nitong Lunes ng hapon dahil sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus.

Tatlong linya ang pansamantalang hindi nadaanan dahil sa paghambalang ng mga bus at pagkalat sa kalsada ng mga bahagi ng concrete barrier.

Ayon sa drayber ng isang bus na si Rodel Balingasa, isang bus pa ang pumasok sa loob ng linya habang nasa loob siya ng EDSA Carousel lane.

Pilit umano niya itong binusinahan ngunit nagtuloy-tuloy ito hanggang sa magkabanggaan ang dalawang bus.

ADVERTISEMENT

Hindi na nakuhanan ng pahayag ang drayber ng isa pang bus dahil agad na nagtungo ito sa impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bandang 6:39 nang mahatak na ang pangalawang bus. Sa kasalukuyan, nadadaanan na ulit ng mga bus ang linya ng EDSA Carousel.

Patuloy na iniimbestigahan ng MMDA ang aksidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.