Imahen ng Santo Niño de Cebu, nagbalik sa Espanya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imahen ng Santo Niño de Cebu, nagbalik sa Espanya

Imahen ng Santo Niño de Cebu, nagbalik sa Espanya

Sandra Sotelo Aboy | TFC News Spain

Clipboard

BARCELONA - Isang Pasko na hindi makakalimutan ng mga Pilipinong deboto ng Santo Niño de Cebu ngayong taon dahil nagbalik na ang imahen sa Espanya mula sa Pilipinas makalipas ng limang daang taon.

Ang pagdating sa Pilipinas ng imahen ng Santo Niño o Holy Child ng Cebu na dala ni Ferdinand Magellan at Spanish explorers ang naghudyat ng pagsisimula ng Kristiyanismo sa bansa.

Sto Nino sa Barcelona

Isang banal na misa ang ipinagdiwang sa Basilica de la Sagrada Familia sa Barcelona para sa makasaysayang pagdating ng imahen nitong December 5.

Pinangunahan mismo ng Pilipinong Papal Nuncio to Spain na si Archbishop Bernardito Auza ang banal na misa.

ADVERTISEMENT

Misa sa Sagrada

“The Christmas message of the Santo Niño is - the Sto. Niño is the same eternal word of God that we believe: Jesus Christ himself who made himself little for us, who made himself accessible to all of us so that we would not have any fear of him, we don’t fear a child, right?,” pahayag ni Archbishop Bernardito Auza.

Ayon kay Archbishop Auza, nararapat lang na ang Basilica de la Sagrada Familia o Holy Family ang unang stopover ng imahen sa Espanya.

Misa para sa Santo Nino

“There is, I think, no better way to mark the beginning, a new beginning of the General Consulate in Barcelona and giving a replica of the Sto. Niño to the Sagrada Familia, one of the most celebrated churches in the world,” dagdag ni Archbishop Auza.

Hindi napigil ng lamig at sobrang lakas na hangin ang daan-daang Pilipino na nakiisa sa pagsalubong.

“Ang saya, napakalaki na oportunidad na makasama kami sa pagsalubong sa kanya rito ng Sto. Niño at misa ng Pilipino,” sabi nina Rosalie Mangsan at Suerte Aquino, mga residente ng Barcelona.

“Masaya po kami dahil bumisita po ang Sto. Niño dito sa Barcelona. First time lang po namin maka-attend ng misa dito,” sabi ni Roman Dionelas, residente ng Barcelona.

Nag-Misa rin si Archbishop Auza sa parokya ng mga Pilipino sa Immaculada Concepcion y San Lorenzo Ruiz kung saan nagsagawa rin ng Sinulog ang mga Pilipinong deboto.

Sinulog sa Sagrada

Ang okasyon ay naging pagbabalik tanaw din sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“Spain is really the rightful country to host it because in the first place the Sto. Niño came from this country. We want to remind and we want to be thankful also to the Spaniards, for this gift of religion taking part of our national culture so it's always nice,” sabi ni Rene Escalante, National Historical Commission of the Philippines Chair at National Quincentennial Committee Executive Director.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng bagong bukas na Philippine Consulate sa Barcelona.

“The good news for all the Filipinos dito sa Barcelona, is the plan to lend the Sto Niño to different churches all around in Barcelona and I hope we could do the same thing in Madrid and we will be happy for all our kababayans over there,” saad ni Philippe Lhuillier, Philippine Ambassador to Spain.

Limang daang taon ang binilang bago nagbalik ang Santo Niño de Cebu sa Espanya dahil sa Quincentennial commemorations ng Kristiyanismo at pagdaong ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Cebu.

Kaya ngayong Pasko, tila hindi matatawarang saya ang nadarama ng mga deboto dahil sa pagbabalik ng Santo Niño de Cebu sa Barcelona.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.