Ilang bahay sa San Rafael, Davao City, lubog pa rin sa putik dala ng ‘Vinta’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahay sa San Rafael, Davao City, lubog pa rin sa putik dala ng ‘Vinta’

Berchan Angchay,
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2017 07:56 PM PHT

DAVAO CITY - Ilang residente ang patuloy na nagtitiis sa iniwang putik ng bahang dala ng bagyong Vinta.

Apat na araw na ang nakalipas ng binaha ang Davao. Pero ang mga residente ng Purok 10, San Rafael, Davao City nagtitiis pa rin sa iniwang putik bunsod ng pagbaha.

Puno ng putik ang mga dinadaanan ng mga tao at pati ang covered court hindi na makilala dahil lubog na rin sa putik.

Dahil dito, nalulungkot ang mga residente dahil ubos ang kanilang mga kagamitan sa pagkasira nito. Dagdag pa nila, magbabagong taon na.

"Parehas anang mga sanina dili na mapuslan... Limpyo napud ka balikbalik lang imo trabaho," ayon kay Ima Pandadagan, isa sa mga residenteng binaha.

(Gaya nitong mga damit hindi na mapapakinabangan . . . Maglilinis ka pa, paulit-ulit na lang ang trabaho.)

Diskarte ng ilan ang paglagay ng kanilang mga gamit sa loob ng malaking bangka at maligtas na rin ang sarili.

May ilan namang mga pamilyang piniling sa kalsada na lamang manirahan. Dito na sila nagluluto at natutulog. Ang iba ay nagkakasakit na lalo na ang mga bata.

Patuloy naman ang pamimigay ng assistance sa mga apektadong residente ng Barangay 10 sa kanilang gym na nagsisilbing evacuation center.

Nais ng mga residente na huwag silang makalimutan at mabigyan na sila ng kanilang pangangailangan.