25 crew ng barko nakisilong sa Capul Island sa Northern Samar dahil sa malakas na alon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
25 crew ng barko nakisilong sa Capul Island sa Northern Samar dahil sa malakas na alon

ABS-CBN News
Published Dec 25, 2022 11:44 AM PHT

Nakikisilong ngayon sa Capul Island sa Northern Samar ang isang barko kung saan sakay ang 25 na mga crew matapos na maabutan ng masamang panahon.

Alas 9:30 ng umaga nitong Sabado ng dumaung ang barkong LCT LEGACY 1 sa isla.

Ayon sa impormasyon mula sa MDRRMO Capul at Coast Guard Northern Samar galing Northern Samar ang barko at papuntang Lipata Point sa Quezon province. Pero nagkaroon ng steering casualty o nasiraan ng timon ang barko habang naglalayag at dahil sa malalaking alon ng dagat kaya napilitan ang kapitan ng barko na hindi muna ituloy ang paglalayag.

Ligtas ang 25 na mga crew.
Ligtas ang 25 na mga crew.
ADVERTISEMENT
Sila ay humingi agad ng saklolo mula sa Philippine Navy at sa Philippine Coast Guard.

Tumulong din sa kanila ang mga residente ng Barangay Aguin kung saan sila ngayon nakikisilong.

Ayon pa sa MDRRMO apektado ng shear line ang Capul, Northern Samar na nagdadala ng mga pag-ulan at maalon na karagatan.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan
- Ulat ni Ranulfo Docdocan
Read More:
Tagalog news
Capul Island
sea travel
Northern Samar
weather
Christmas travel
PCG
Philippine Coast Guard
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT