3 patay sa banggaan ng mga sasakyan sa NLEX | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay sa banggaan ng mga sasakyan sa NLEX

ABS-CBN News
Published Dec 25, 2022 01:06 PM PHT

Patay ang 3 tao matapos magbanggaan ang 3 sasakyan sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Mexico, Pampanga noong umaga ng Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa southbound direction ang puting van nang mawalan ito ng kontrol at mapunta sa center island hanggang sa northbound lane.

Tumama umano ang van sa paparating na pulang kotse at puting SUV, na parehong wasak ang harapang bahagi.

Patay ang driver at isang pasahero ng pulang kotse habang sugatan ang 3 sakay nito, kabilang ang 2 menor de edad.
Patay ang driver at isang pasahero ng pulang kotse habang sugatan ang 3 sakay nito, kabilang ang 2 menor de edad.
ADVERTISEMENT
Patay din ang isa sa mga pasahero ng puting van habang wala namang malubhang nasaktan sa SUV.

Galing Isabela ang van, na papunta sanang Quezon City.

Ang mga sakay naman ng kotse ay galing Maynila at pauwi sanang Tarlac habang ang mga pasahero ng SUV ay mga bakasyunistang mula Quezon City at papunta sanang Baguio City.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries and damage to properties ang driver ng van.

Nagpaalala naman si Philippine National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo sa publiko na maging maingat sa pagbiyahe ngayong kapaskuhan.

"Hangga't maaari po na kapag tayo ay magbabiyahe, siguraduhin na nasa maayos na kondisyon ang inyong mga sasakyan," ani Fajardo.

— Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT