Mga pagguho ng lupa naitala sa Surigao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pagguho ng lupa naitala sa Surigao City

Mga pagguho ng lupa naitala sa Surigao City

ABS-CBN News

Clipboard

Nakaranas ng mga pag-ulan ang Surigao City at mga karatig-lugar dulot ng trough ng low pressure area, na nagdulot ng landslide at pagbaha. Kuha ni Romar Curada.

SURIGAO CITY - Magdamag simula Huwebes na nakaranas ng mga pag-ulan ang lungsod na ito at mga karatig-lugar dulot ng trough ng low pressure area.

Alas dose ng tanghali ngayong Biyernes, gumuho ang bahagi ng lupa sa may Barangay Ipil sa lungsod na ito.

Nagkaroon rin ng landslide sa Purok 9, sa Barangay Cagniog, at Brgy. Washington.

Agad namang nagsagawa ng clearing operation at evacuation sa mga residente malapit sa mga lugar.

ADVERTISEMENT

Nagsagawa rin ng clearing operations sa may San Francisco-Malimono Provincial Road sa Barangay Oslao na natabunan ng putik dahil sa pagguho ng lupa.

Nakaranas ng mga pag-ulan ang Surigao City at mga karatig-lugar dulot ng trough ng low pressure area, na nagdulot ng landslide at pagbaha. Kuha ng Surigao City Public Information Office.

Binaha rin ang ilang kalsada at barangay sa lungsod dahil sa walang tigil na ulan.

Nakamonitor ngayon ang Surigao City Disaster Risk and Management Office sa mga posibleng pagbaha pa sa ibang mga barangay, lalo na sa mga low-lying areas.

Inabisuhan naman ang publiko na maging maingat at alerto sa lahat ng oras.

- Ulat ni Lorilly Charmane Awitan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.