Biyuda, nahulog sa motorsiklo nang suntukin, sabunutan ng magkapatid na teenager | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Biyuda, nahulog sa motorsiklo nang suntukin, sabunutan ng magkapatid na teenager

Biyuda, nahulog sa motorsiklo nang suntukin, sabunutan ng magkapatid na teenager

Grace Alba,

ABs-CBN News

Clipboard

SOLSONA, Ilocos Norte - Patay ang isang 50 anyos na babae matapos mahulog sa motorsiklo sa Barangay Manalpac sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte Martes ng gabi.

Sa kulungan nag-Pasko ang 19 anyos na si alyas "Jake" at ang 18 anyos nitong kapatid na babae na si alyas Roda.

Suspek ang dalawa sa pananakit sa biyudang si Lydia Daguro. Kuwento ng kaanak nito na si Wilson Fiesta, angkas niya ang biktima para ihatid ito sa kanilang bahay gamit ang motorsiklo nang bigla silang harangin ng magkapatid na naka-motorsiklo rin.

Dito na umano sinabunutan at pinagsusuntok sa ulo ang biktima.

ADVERTISEMENT

“Hindi ko maawat kasi nag-iisa ako at sumunod ‘yung lalaki," ani Fiesta.

Matapos ang insidente, muling sumakay para magpahatid ang biktima kay Fiesta at habang ito’y nagmamaneho, napansin na biglang nanghina hanggang nahulog ang biktima.

“Hinawakan niya balikat ko hanggang sa nabitawan niya," ani Fiesta.

Itinanggi ng suspek na si Jake na sinaktan nila ang biktima, pero sabi ng kapatid niyang si Roda, sinabunutan lang niya ang biktima.

Personal na motibo ang tinitingnan ng mga pulis sa insidente. Karelasyon umano ng biktima ang tatay ng magkapatid na suspek.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ni Daguro para matukoy kung ang pagkakasuntok o pagkahulog nito ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

“Kung mapatunayan na ang sanhi ng pagkamatay ay sa pambubugbog, homicide ang kaso," paliwanag ni Police Major Christopher Sorsano, hepe ng Solsona Police Station.

Hustisya naman ang hiling ng pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.