Reunion dapat na naging lamay: Pamilya Gregorio nagdadalamhati ngayong Pasko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Reunion dapat na naging lamay: Pamilya Gregorio nagdadalamhati ngayong Pasko

Adrian Ayalin,
ABS-CBN News
Published Dec 24, 2020 06:11 PM PHT
|
Updated Dec 24, 2020 09:52 PM PHT

PANIQUI, Tarlac – Isang bible service ang ginanap nitong Huwebes, bisperas ng Pasko, sa lamay ng mag-inang Gregorio na walang habas na pinatay ng nakaalitan nilang pulis noong Linggo.

LOOK: Relatives hold a bible service for slain mother and son Sonia and Frank Anthony Gregorio. pic.twitter.com/HjksvTGIHC
— Adrian Ayalin (@adrianayalin) December 24, 2020

Nag-alay ng mga awit ang mga kamag-anak ng pinaslang na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Bukod sa awitin, may panalangin din sila.

"Nawa ang bawat isa dito Panginoon ay sumuko sa iyo Panginoon at inaaalay naming lahat ito Panginoon, Ikaw ang magibibgay ng anointing power, we receive Your healing power Lord," ayon sa dasal.

ADVERTISEMENT
Sa gitna ng mga awit at panalangin, lumapit ang ama ng tahanan na si Florentino sa mga labi ng asawa at anak at napaiyak.

Patuloy pa rin ang paghingi ng hustisya ng pamilya sa nangyaring pamamaril ng pulis na si Staff Sgt. Jonel Nuezca. Nag-viral ang video at kinondena dahil sa brutal na paraan ng pamamaril, at sa tila mababaw na dahilan umano nito.

Bagama't makaiba ng relihiyon ang pamilya Gregorio at kanilang mga kamag-anak, magsasalo-salo pa rin sila ngayong bisperas ng Pasko.

"Ngayong Pasko, sana kung walang ganitong nangyari sa kapatid ko siguro naman masaya kami... Pero ngayon nagdadalamhati kami, wala na siguro ang kasiyahan mamayang pagsapit ng Pasko," ani Jovita Natividad, kaanak ng mga biktima.

Nakapiit na ngayon si Nuezca at nahaharap sa kasong 2 counts ng murder.

Related video:
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
Nuezca
killer cop
Jonel Nuezca
Sonia Gregorio
Frank Gregorio
Paniqui
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT