16,000 stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Ursula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
16,000 stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Ursula

ABS-CBN News
Published Dec 24, 2019 07:42 AM PHT
|
Updated Dec 24, 2019 08:20 AM PHT

MANILA — Nasa 16,600 biyahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Ursula Martes, bisperas ng Pasko, ayon sa Philippine Coast Guard.

Hindi pinapayagan ng mga awtoridad na maglayag ang mga barko sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal 1 at pataas, paliwanag ni PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo.

"Ang mahirap dito iyong mga nakabiyahe na, tulad doon sa Matnog [Port], andoon na eh. Hindi naman nila na-anticipate na talagang mabilis iyong bagyo, akala nila makakatawid pa, talagang na-stranded sila," ani Balilo sa panayam ng DZMM.

Mayroon aniyang inihanda ang Department of Transportation na tulugan, pagkain at tubig para sa mga stranded na pasahero. Pero pagtaya ni Balilo, "Sa dami ng pasahero talagang magkukulang pa rin."

"Iyong hygiene, iyong tutuluyan, doon sila matutulog sa bus, iyon ang medyo mahirap sa kalagayan ng mga kababayan natin," dagdag niya.

Nasa mga pantalan ng Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Luzon, Northern Mindanao, Western Mindanao at Southern Visayas ang 16,649 stranded na pasahero sa taya ng PCG alas-4 ng umaga.

Pansamantalang suspendido naman anila ang operasyon ng 1,896 rolling cargo ships, 96 vessels at 15 motorbanca dahil pa rin sa sama ng panahon.

Inaasahang lalakas pa ang bagyong Ursula bago ito tumama sa kalupaan ng Eastern Visayas ngayong Martes ng hapon o gabi, ayon sa state weather bureau PAGASA.