Christmas party ng DPWH guards nauwi sa pamamaril; 3 patay

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 08:13 AM | Updated as of Dec 23 2019 08:07 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA (UPDATE) — Patay ang 3 security guard ng Department of Public Works and Highways matapos mauwi sa pamamaril ang kanilang Christmas party sa tanggapan ng ahensiya sa Port Area, Maynila, Linggo ng gabi. 

Magkakaumpok ang mga biktima nang bigla umanong nagpaputok ng kaniyang service firearm ang 40 anyos na guwardiyang si Wilfredo Gamayon. 

Itinapon nito sa crime scene ang baril at agad na tumakbo palayo. 

Kabilang sa namatay ang supervisor ng suspek na si Marc Jason, Ruben Roces, at security manager si Eric Patastico. 

Kailangan namang operahan ang isang babae. 

Naaresto ang suspek sa follow-up operation ng Ermita police, na inaalam pa ang motibo sa pamamaril. 

Sinabi ng suspek matapos ang krimen na nakainom siya. --May ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.