Pulis na pinatay ng NPA sa Agusan del Norte, inilibing na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na pinatay ng NPA sa Agusan del Norte, inilibing na

Pulis na pinatay ng NPA sa Agusan del Norte, inilibing na

Richmond Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

SANTIAGO, Agusan Del Norte - Bumuhos ang luha sa libing ng pinatay na pulis sa Santiago Municipal Police Station na si SP03 Reil Morgado sa Jagupit Public Cemetery, Linggo ng hapon.

Masakit para sa kaanak ni Morgado ang kaniyang pagkawala lalo't malapit na ang Pasko.

Nagsuot ng itim na damit ang mga dumalo sa libing, ang iba ay may bitbit pang mga plakard na kumokundena sa ginawa ng New People's Army (NPA).

Maging ang mga kasamahan ni Morgado sa Philippine National Police (PNP) ay nalulungkot din sa sinapit ng kanilang kaibigan at kasama sa trabaho.

ADVERTISEMENT

Saludo sila sa kabaitan at katapangang ipinakita nito para sa kaniyang pamilya at sa kanilang bayan.

Binigyan ng 21 gun salute si Morgado na nagsilbi sa PNP ng 21 taon.

Ayon sa Police Regional Office 13, patuloy pa rin ang kanilang paghahanap sa mga sangkot sa krimen.

Kinasuhan na ng murder ang tatlong lalaking nahuli ng awtoridad na sangkot sa pangyayari.

Pinatay si Morgado noong ika-13 ng Disyembre.

Pinagbabaril ng mga rebeldeng NPA si Morgado sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Purok 4, Barangay Jagupit, Santiago, Agusan Del Norte.

Umaasa ang asawa ni Morgado na mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa kaniyang mister alang-alang narin sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.