Pulis patay sa Negros Occ. matapos barilin habang nagjo-jogging kasama ang mayor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis patay sa Negros Occ. matapos barilin habang nagjo-jogging kasama ang mayor

Pulis patay sa Negros Occ. matapos barilin habang nagjo-jogging kasama ang mayor

ABS-CBN News

Clipboard

Patay sa pamamaril ang isang pulis as bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental, Martes ng umaga. Nagjo-jogging ang biktima kasama ang alkalde ng bayan nang mangyari ang krimen. Larawan mula sa Pontevedra PNP

Patay ang 37 anyos na si Police Staff Sargeant Ildefonso Casugod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Reclamation Area ng bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental, Martes ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagjo-jogging si Casugod alas-6 ng umaga, kasama si Mayor Jose Maria Alonzo, nang bigla na lang itong lapitan ng gunman at binaril sa ulo, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa officer-in-charge ng Pontevedra Police na si Captain Hancel Lumandaz, tanging ang pulis lang ang target ng salarin.

May iba pa silang mga kasamahan, ngunit walang nakakilala sa salarin dahil naka-face mask ito at naka-suot ng hood ng kaniyang jacket.

ADVERTISEMENT

Agad na sumakay ang salarin sa isang motorsiklo kung saan naghihintay ang kaniyang look out.

Ayon kay Lumandaz, posible na ang trabaho bilang intelligence officer ng Pontevedra Police ang naging motibo sa pagpatay kay Casugod.

May ilang kasong may kinalaman sa illegal drugs at illegal gambling kasi na hinahawakan ang biktima.

- ulat ni Romeo Subaldo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.