Mayor ng Bato, Catanduanes sa pinasibak na police chief: 'Pag walang respeto, papatayin na?' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mayor ng Bato, Catanduanes sa pinasibak na police chief: 'Pag walang respeto, papatayin na?'

ABS-CBN News
Published Dec 22, 2020 03:45 PM PHT
|
Updated Dec 22, 2020 07:48 PM PHT

Hindi nagustuhan ni Mayor Juan Rodulfo ng Bato, Catanduanes ang pahayag ng police chief ng kanilang bayan kaugnay ng kontrobersiyal na pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Sa panayam ngayong Martes, kinumpirma ni Rodulfo na sumulat siya kay Catanduanes Police Provincial Director Col. Brian Castillo, na naging dahilan para masibak sa puwesto si Police Capt. Ariel Buraga.

Nag-viral noong Lunes ang isang post ni Buraga sa Facebook, kung saan sinabi niyang ang aral sa pamamaril sa Paniqui ay dapat matutong rumespeto ang mga tao, kahit puti na ang buhok, sa mga pulis. Na-delete na ang naturang post.

Tinutukoy ni Buraga ang pamamaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio, na nag-ugat umano sa alitan dahil sa pagpapaputok ng boga.

Ayon kay Rodulfo, nabahala siya sa naging pahayag ng police chief ng kaniyang bayan.

"Nangangamba po 'yong mga taga-Bato kasi 'yong the way na nag-react siya (Buraga) doon and nag-post siya, parang 'yong kabaro niya, parang kinakampihan niya pa. So hindi po dapat ganoon na ilagay ang batas sa ating kamay," anang alkalde.

"Ibig sabihin pala, 'pag walang respeto, papatayin mo na lang 'yong mamamayan natin, 'yong tao natin? Personal judgement ko na 'yon na hindi dapat gawin ng isang hepe ng pulis," dagdag ni Rodulfo.

Personal umanong nagpaliwanag sa alkalde si Buraga tungkol sa post at iginiit na na-misinterpret lang siya ng mga netizen.

Wala raw ibang intensiyon ang opisyal kundi bigyang-diin ang pagbibigay ng respeto sa kapulisan.

Umaasa naman si Rodulfo na isang hepe na magpapatupad ng "To serve and protect" na motto ng kapulisan ang papalit kay Buraga.

Sa ngayon, ang deputy chief-of-police na muna ang namumuno sa Bato police habang hinihintay ang kapalit ni Buraga.

-- Ulat ni Jonathan Magistrado
Read More:
PatrolPH
Taglaog news
Bato
Catanduanes
police
police chief
Juan Rodulfo
rehiyon
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT