Sepulturero patay matapos mahulog sa nitso, matusok ng kutsarang pansemento | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sepulturero patay matapos mahulog sa nitso, matusok ng kutsarang pansemento

ABS-CBN News
Published Dec 21, 2022 07:32 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
DOLORES, Quezon — Nasawi ang isang sepulturero nang ito ay mahulog sa nitso at matusok ng kutsarang pansemento nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Eleazer Caneo, 62 anyos.

Nadiskubre ang wala ng buhay na katawan nito dakong alas 4:00 ng hapon sa loob ng sementeryo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Dolores police, nakaakyat ang biktima sa apartment type na nitso sa public municipal cemetery at nag-aayos ng katatapos pa lamang na paglibingan na nitso nang madulas ito at mahulog.

Bumagsak ito sa lupa subalit aksidenteng natusok sa dibdib ng kanyang ginagamit na kutsarang pangsemento (masonry trowel).

Wala namang nakakita agad sa biktima dahil sa nakaalis na ang mga nakipaglibing.

Ayon pa sa imbestigasyon nakapaglakad pa ng nasa 25 metro ang biktima bago ito humandusay at doon na nalagutan ng hininga.

Wala namang nakikitang foul play ang Dolores police sa pangyayari.

—Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT