Bangkay ng Pinay na natagpuang patay sa Indonesia, naiuwi na sa Pilipinas

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 10:50 AM | Updated as of Dec 21 2019 09:53 PM

MAYNILA – Natapos na ang may isang taong pagdadalamhati ng isang pamilya matapos na maiuwi sa bansa Sabado ng umaga ang mga labi ng kanilang kaanak na natagpuang patay sa Bali, Indonesia.

Lumapag Sabado ng umaga ang flight mula Indonesia na dala ang katawan ni Ella Paaño.

Pumunta sa Bali si Paaño Disyembre 22 ng nakaraang taon para magbakasyon ng isang linggo pero hindi na siya nakauwi pa sa Pilipinas.

Naideklara siyang missing at nitong buwan lang ng Agosto nang matagpuan ang kaniyang bangkay. Kinailangan pang magsagawa ng DNA testing dahil hindi na makilala ang bangkay na nasa loob ng kahon.

Nitong Nobyembre lamang nang makumpirma na ang bangkay ay kay Paaño.

Watch more in iWant or TFC.tv

Wala namang magawa ang kapatid nitong si Eden kundi ang maiyak nang makita ang kaniyang kabaong.

Humihingi naman ang kaniyang pamilya ng tulong sa pamahalaan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaanak na nagdaos sana ng ika-26 taon na kaarawan nitong Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.