Pastor patay sa pamamaril sa Panabo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pastor patay sa pamamaril sa Panabo
Pastor patay sa pamamaril sa Panabo
ABS-CBN News
Published Dec 20, 2019 04:41 AM PHT
|
Updated Dec 20, 2019 09:04 AM PHT

PANABO CITY—Patay ang isang 58-anyos na pastor at supervisor ng Department of Education (DepEd) sa lungsod na ito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa kaniyang minamanehong kotse, Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Babito Manliguez, na senior pastor ng The Harvest Christian Church Community Assembly of God at district supervisor din ng DepEd sa Panabo City.

Sa imbestigasyon ng ng mga pulis, galing sa bahay at papunta na sana si Manliguez sa kanyang trabaho sa DepEd nang pagbabarilin siya ng maraming beses sa loob ng kanyang minamanehong kotse.

Posible umanong inabangan ang biktima sa pasukan ng kanilang sibdivision.
Posible umanong inabangan ang biktima sa pasukan ng kanilang sibdivision.
ADVERTISEMENT
Nakuha rin sa crime scene ang limang basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45.

"Maraming anggulo ang tinitingnan natin. Una ang sa trabaho baka may nakaaway, personal niya, at pagsali nito sa investment scheme, pero patuloy pa tayong nag-iimbestiga" ani Police Lt. Col. Ernesto Gregore.

May suspek na ang Panabo City Police sa krimen.

Hindi naman matanggap ng church member na si Yolanda Castro ang nangyari sa kanilang pastor at naniwalang mistaken identity lamang ang pagpatay sa kanya.

"Dapat sinigurado muna kung iyon ba talaga patayin nila, kasi wala talagang atraso ang pastor namin," ani Castro.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Read More:
Tagalog news
crime
shooting
Department of Education
pastor
Panobo City
he Harvest Christian Church Community Assembly of God
Davao del Sur
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT