8 Pinoy biktima ng human trafficking sa Syria, natulungang makauwi ng DFA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 Pinoy biktima ng human trafficking sa Syria, natulungang makauwi ng DFA

8 Pinoy biktima ng human trafficking sa Syria, natulungang makauwi ng DFA

Jerome Fadriquela | TFC News

 | 

Updated Dec 19, 2021 09:50 PM PHT

Clipboard

DAMASCUS - Walong overseas Filipinos na biktima ng human trafficking at illegal recruitment sa Syria ang nakauwi na Pilipinas noong December 7, 2021 sa tulong ng Department of Foreign Affairs-OUMWA.

Dating kinupkop ng embassy shelter ang walong Pilipino at dahil sa kanilang repatriation muling nabakante ang nasabing shelter.

Nagpapasalamat ang repatriates sa pagsisikap ng DFA at Philippine Embassy na sila ay masaklolohan at makauwi ng Pilipinas. Kuwento ng Pinoy repatriates, biktima sila ng karahasan ng kanilang mga amo sa Syria.

Repatriates mula sa Damascus
Si Chargé d’affaires Vida Soraya Verzosa kasama ang mga kawani ng Philippine Embassy sa Damascus at ang walong (8) biktima ng Trafficking in Persons (TIP) sa Damascus International Airport (Photo courtesy of PE Damascus)

Tutulungan sila ng Philippine Embassy sa Damascus na habulin at kasuhan ang kanilang mga illegal na recruiter sa Pilipinas, Malaysia, Dubai at maging sa Syria sa tulong ng Philippine Overseas and Employment Administration, Inter-Agency Council Against Trafficking at Blas Ople Policy Center.

ADVERTISEMENT

Paalala ng POEA, umiiral pa rin ang deployment ban sa Syria, nakakapasok ang ilang Pilipino roon dahil sa pambibiktima ng human traffickers gamit ang “third-country” recruitment at tourist visas.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang-Silangan, Europe at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Source: DFA website

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad