700 parol ng lantern maker na tinakasan ng buyer, pinakyaw ng Manila LGU | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

700 parol ng lantern maker na tinakasan ng buyer, pinakyaw ng Manila LGU

700 parol ng lantern maker na tinakasan ng buyer, pinakyaw ng Manila LGU

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pinakyaw ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang 700 parol na inorder pero hindi kinuha ng buyer sa isang lantern maker sa lungsod.

Kuwento ng gumawa ng mga parol na si Maximo Simon, galit at lungkot ang naramdaman niya matapos takasan ng kaniyang customer.

Aniya, ilang buwan niyang pinaghirapang gawin ang mga parol. Bukod sa oras, malaki din aniya ang puhunan sa paggawa ng mga ito.

"Nagkaroon lang ng problema. Hindi sila nagkasundo. Ok naman 'yung buyer, 'yung kasamahan ko lang at secretary hindi nagtugma ang listahan," ayon kay Simon, sa panayam ng Manila Public Information Office.

ADVERTISEMENT

“Matagal na po 'yan, kontrata kasi na po 'yan, 10,000 pieces - kontrata iyan. Ang due date namin November 30, eh hindi naman natapos. Nag-additional ng 15 days. Noong December 11, may gawa ko 700, pina-stop ako kasi nagkaproblema sila tapos di na kukunin ang parol,” sabi niya.

Dagdag niya, tulong daw sana iyon para mabayaran ang mga utang niya at dagdag kita na rin ngayong Kapaskuhan.

Nag-viral sa social media ang post ng mag-asawang Simon at marami ang naawa sa kaniya.

Pinakyaw naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga parol na may halagang P51,000. Kinuha na ang mga ito at isinabit sa iba-ibang barangay, partikular sa Sta. Cruz.

Masaya na si Simon dahil bukod sa bayad na ang 700 na parol, magkakasama sila ng pamilya niya ngayong Pasko. Umuwi kasi ang bunso niya na hindi na nakita simula noong nagkaroon ng pandemya.

Halos tatlong dekada nang gumagawa ng parol si Simon. May pwesto siya sa Central Market at malaki ang tulong ng mga parol sa kaniyang pamilya.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.