PatrolPH

Mga gumagawa ng parol sa Las Piñas, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2020 10:46 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga gumagawa ng parol sa Las Piñas.

Kabilang ang mga gumagawa ng parol sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.

Kabilang sa mga nakilala ng Iba 'Yan si Luzviminda Gallardo at si John Nelson Garcia.

Mahigit apat na dekada nang gumagawa ng parol si Nanay Luz. Sa kabila ng hirap na nararanasan nila, gumawa pa rin sila ng parol kahit na matumal ang benta ng kanilang parol.

Kaya naman sa tulong ng mga donors, nagpaabot ng tulong ang Iba Yan kay Nanay Luz at sa mga kasamahan niya sa kanilang barangay sa Las Piñas.

Tinulungan rin ng Iba 'Yan ang komunidad sa Sunshineville, kung saan dinala ang mga parol na binili mula sa mga parol maker sa lungsod.

Panoorin ang kanilang kuwento rito.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.