2 pulis sangkot umano sa pagdukot, pagpatay sa isang lalaki sa Baguio | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis sangkot umano sa pagdukot, pagpatay sa isang lalaki sa Baguio

ABS-CBN News
Published Dec 19, 2020 04:56 PM PHT

Dalawang pulis sa Cordillera ang itinuturong sangkot sa pagdukot at pagpatay umano sa isang lalaki sa Baguio City, batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa social media post ng ina ng biktima, dinukot si Arjan Lagman, 25, noong Nob. 11 sa Barangay Irisan sa Baguio City.

Bangkay na umano ito at wala nang ulo nang matagpuan noong Nob. 12 sa Barangay Ambassador sa Tublay, Benguet.

Sa imbestigasyon naman ng mga pulis, natukoy na ang 2 sa mga suspek ay miyembro anila ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Capt. Marnie Abellanida, public information officer ng Cordillera regional police, natanggal na sa mga puwesto ang mga suspek na pulis.

“Actually ‘yong mga alleged perpetrator natin 'yung mga suspek natin is member ng regional drug enforcement unit. Nung malaman sila na ganyan as administrative procedure automatic ni-relieve sila sa kanilang pwesto,” ani Abellanida.

Binuwag na rin daw ang naturang unit kung saan nabibilang ang dalawang pulis at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek.

“[N]a-disband din 'yung unit na 'yun sa Cordillera and dinisarmahan sila and under restrictive custody sila dito sa Cordillera dito sa Camp Dangwa,” dagdag niya.

Ikinalungkot naman daw ng pinuno ng Police Regional Office - Cordillera ang nangyari.

“Inutusan ng ating regional director [na si] Brig. Gen. R’win Pagkalinawan ‘yong city director ng Baguio na tutukan 'yung kaso na ‘to kasi kung talagang may nagawang kamalian itong kapulisan ng Cordillera,” paliwanag ng opisyal.

“Siya na mismo ang nagsabi na kung kailangan [maghain] ng kaso gawin ang nararapat para bigyan ng hustisya ang biktima,” dagdag niya.
Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang ina ng biktima.
Ayon sa Baguio City Police, kasalukuyan ang kanilang imbestigasyon at preparasyon para sa paghahain ng criminal cases laban sa mga suspek.

Umani na ng maraming batikos ang drug war ng administrasyon dahil umano sa summary killings. Ilang ulit na ring itinanggi ng mga opisyal na sangkot ang awtoridad sa vigilante-style na pagpatay.

— Ulat ni Micaella Ilao
PANOORIN ANG KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
Police Regional Office - Cordillera
crime
Regions
Regional news
Baguio City Police
Marnie Abellanida
Cordillera drug enforcement unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT