Lalaki patay matapos masagasaan ng PNR train sa Pandacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay matapos masagasaan ng PNR train sa Pandacan

Lalaki patay matapos masagasaan ng PNR train sa Pandacan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 17, 2019 12:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan Station sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Inspector Genesis Aliling ng Beata Police Community Precinct, bandang alas-6:30 ng umaga ay tumawid ang lalaki sa ilegal na daanan kaya biglang nahagip ng rumaragasang tren.

Nakaladkad ito ng tren na northbound at may body number 8.

Pansamantala munang tinakpan ng mga dahon ng saging ang nakatiwangwang na bangkay.

ADVERTISEMENT

Base sa kaniyang ID, construction worker sa isang kompanya sa lugar ng aksidente ang hindi hindi pa pinapangalanang lalaki.

May ID at naka-uniporme ito kaya tingin ng mga awtoridad ay papasok ito sa trabaho.

Sinusubukan pang kuhanan ng pahayag ang PNR kaugnay ng insidente.

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.