Deputy police chief ng Guihulngan City, patay sa pamamaril

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 12:53 PM

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental – Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang deputy chief of police ng lungsod, Miyerkoles ng umaga.
 
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, binaril si Police Senior Inspector Porferio Gabuya, Jr. sa loob ng isang tindahan sa may national highway.

Walang plaka ang motorsiklo na sinakyan ng mga salarin na nakatakip ang mukha at nakasuot ng shades. 

Nadala pa sa pagamutan si Gabuya pero idineklarang dead on arrival. 

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya para mahuli ang mga salarin.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.