Surigao nananawagan ng tubig, pagkain matapos ang Odette | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Surigao nananawagan ng tubig, pagkain matapos ang Odette

ABS-CBN News
Published Dec 18, 2021 07:36 PM PHT

MANILA—Pagkain at tubig ang inihihinging saklolo ng mga taga-Surigao City matapos na salantain ng bagyong Odette ang lungsod na nagdala ng matinding pinsala at pumatay ng tatlong katao.

“Walang wala ’yung Surigao. Hindi natin alam kung nasaan ang gobyerno. Tulong lang sana. [Ang] hirap na," sabi ng isa sa mga residenteng si Yongyong.

“ ’Yung mga apo ko, anak [ko], umiyak kasi wala kami kain hanggang ngayong buntag [hapon] wala," dagdag ni Milagros Polino, na nawasak ang bahay dahil as Odette.

Si Roland Gorduiz, kahit na nagsisimula nang magka-amoy ang bigas na naisalba mula sa bagyo, ibinilad pa rin para lang may makain ang pamilya.

“Kahit bulok na, ano gagawin namin? Wala naman pang rasyon na natatanggap namin. Wala pa talaga mula noong nangyari ang bagyo," kuwento ni Gordiuz.

Sa dagat na muna kumukuha ng tubig panligo at panlaba ang mga residente.

Wala pang naiuulat na nagbibigay o nakatatanggap ng relief goods sa lungsod, pero ayon kay Surigao City Mayor Ernesto Matugas inaasahan nang dadating ang tulong dahil binuksan na ang pangunahing mga kalsada papuntang Butuan City.

Iniutos ni Matugas na buksan na ang mga tindahan para may mapagkuhanan ng pagkain ang mga residente, pero nangangamba ang mga negosyanteng baka magkaroon ng nakawan.

“Nagdeploy naman po kami ng mga pulis, nagrequest din kami sa Army at least additional crowd control na ’yung lugar namin walang looting na mangyari. Cooperative naman po ’yung mga tao," sabi ni Matugas.

Humingi naman ng tulong si Vice-Governor Geed Gokiangkee sa pamahalaan.

“We would like to request to the national government to intervene, to help us here in the province. We do not have any communications, as of now. Mga pagkain namin dito ’yung mga naprepare namin," saad niya.

Dahil hindi pa rin naibabalik ang mga linya ng komunikasyon sa Surigao, hindi makahingi ng tulong ang mga residente sa kanilang mga kamag-anak sa ibang lugar.

Si Dalisay Rupin, namatay ang asawang may sakit sa kidney noong kasagsagan ng Odette. Nakiusap siyang makapanawagan sa kanyang mga kaanak sa ABS-CBN News team.

Sa pamamagitan ng satellite phone ng news team, nakausap niya ang kapatid sa probinsya ng rizal.

"Gusto ko iparating sa kanila na nakaligtas naman kami kahit hirap na hirap kami ngayon. Sana kung may magagawa silang paraan makatulong sa akin, kasi ’yung asawa ko namatay na rin sa kasagsagan ng bagyo sa paglikas namin sa kaniya,” kuwento niya.

Nanawagan rin ang isa pang residente at nawalan ng bahay na si Gigi Ariola sa mga kamag-anak niya sa Maynila.

“Mga anak, Benjie, Benedict, dito lang ako nahingi ako tulong sa inyo, hindi ko kayo makontak. Walang wala na talaga. Sobrang hirap talaga ngayon lang ako nakaranas ng ganito,“ sabi niya.

Sa Dinagat Islands naman, 6 na ang naitalang patay.

Problema rin ng probinsya ang hindi pa marating kaya hindi rin makarating ang tulong sa mga nangangailangan, kaya pinangangambahang maubos ang pagkain sa probinsya.

“Ang problema namin hindi namin mapasok ’yung municipality ng Cadianao kasi maraming kahoy na bumagsak. Isolated ’yung municipality ng Basilisa. ’Yung mga outskirts na barangay at malapit sa dagat hindi namin maikutan kasi yung mga bangka sira," sabi ni Vice-Governor Nilo Demerey.

Dagdag ni Demerey, may naiulat nang nakawan sa ilang mga tindahan, na agad rin namang nirespondehan ng mga pulis.
Nanawagan din ng tulong si Demerey sa pamahalaan.