Problema sa pagbabakuna sa mga lugar na naapektuhan ng Odette tutugunan: DOH | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Problema sa pagbabakuna sa mga lugar na naapektuhan ng Odette tutugunan: DOH

ABS-CBN News
Published Dec 18, 2021 06:52 PM PHT
Pinag-aaralan na ng Department of Health kung paano masosolusyonan ang problema sa pagkaantala ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa ilang lugar na apektado ng bagyong Odette.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, naantala ang pagbabakuna at biyahe ng mga bakuna sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyo.

Problema rin aniya ang mga lugar na nawalan ng kuryente kaya pinag-aaralan ng DOH ang solusyon dito.

"'Yung sa frozen at andu’n naman sila sa freezer kagaya ng ating Pfizer, Moderna, Sputnik basta hindi mo binubuksan yan, good for 2 to 3 days. 'Yung mga plus-2 to plus-8 kailangan may extra ice na nilalagay para ma-keep ’yung temperature," ani Cabotaje.

ADVERTISEMENT
"Monitor 4 times a day, ’pag napa-fluctuate na, hindi ma-maintain ang temperature ang aming directive sa kanila, ibakuna na kung pwedeng ibakuna ang mga yan."

Ipauubaya rin ng DOH sa mga lokal na pamahalaan kung uunahin ang bakuna o relief goods. Limitado kasi ang shelf life ng mga bakuna.

"Nasa assessment po ng ating lokal na pamahalaan kung ano ang uunahin. ’Yung relief o bibigyan ng pagbabakuna. We will leave it to the judgment of the local government unit," ani Cabotaje.

Naghihintay na rin ng ulat ang DOH mula sa kanilang regional offices ukol sa mga naapektuhang medical facilities para malaman kung anong tulong ang kailangan doon.

Apat na ang kumpirmadong patay sa bagyo na nanalasa sa Visayas at Mindanao. —Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News