Mag-ina tinangay ng ilog sa Davao del Sur; bangkay na bata natagpuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-ina tinangay ng ilog sa Davao del Sur; bangkay na bata natagpuan

ABS-CBN News
Published Dec 18, 2020 12:50 AM PHT

MATANAO, Davao del Sur - Inanod ng rumaragasang agos ng ilog ang isang mag-ina sa Barangay Kibao sa bayang ito Martes ng hapon.

Natagpuan ng mga rescuer ang bangkay ng 3-anyos na batang lalaki Miyerkoles ng umaga, habang patuloy na hinahanap ang ina nitong si Meriam Lopez, 31.

Napag-alamang tumawid sa ilog ang mag-ina kasama ang isa pang anak na 10-anyos na nakaligtas sa insidente, nang bigla umanong lumaki ang tubig at bumilis ang agos ng ilog dahilan ng insidente.

Ayon kay Bernadette Baldevia ng local disaster management office ng Matanao, malakas ang ulan noong panahong iyon kaya tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog.

Nakikipagtulungan na sila ngayon sa mga karatig na bayan para hanapin ang ina.

Pinag-iingat din ni Baldevia ang mga residente na huwag nang tumawid sa ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan, nang hindi maabutan ng posibleng pagragasa ng ilog.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT