'Bahay ni Kap': Barangay hall sa Iligan iminodelo sa PBB house | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bahay ni Kap': Barangay hall sa Iligan iminodelo sa PBB house

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Dec 18, 2020 10:33 AM PHT

MAYNILA - Sumisikat ngayon ang isang bagong-tayong barangay hall sa Iligan City sa Mindanao dahil sa pagkakahawig nito sa tinaguriang pinakasikat na bahay sa Pilipinas.

Mula sa mga patatsulok na bubong, hanggang sa asul at dilaw na pintura, at maging sa logo sa may tuktok ng "Bahay ni Kap" ng Barangay San Miguel, parang narating mo na ang Pinoy Big Brother (PBB) house sa Quezon City.

Pinasinayaan ang barangay hall ilang araw bago nagsimula ang ika-15 at kasalukuyang serye ng reality show na "Pinoy Big Brother Connect" noong Disyembre 6.

Ayon sa punong barangay ng San Miguel na si Joel Jumawan, nagkataon lang na sumabay ang pagbubukas ng "Bahay ni Kap" sa "Bahay ni Kuya."

ADVERTISEMENT
Pero, pinagmamalaki nila na sadyang pagbibigay-pugay ang bagong tahanan ng barangay sa tahanan ng mga PBB housemates.

"We really approved since big fans tayo ng ‘Big Brother’ noon," kuwento ni kagawad Jayson Ayson.

"When it first came out, it was such a big hit. We were avid fans of the ‘Big Brother’. So noong prinisenta sa amin, we were very enthusiastic, and we had to make maliliit na adjustments na lang 'yong input namin sa design."

Nilatag ang disenyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd district engineering office sa Iligan, pero ayon sa information officer nitong si Vincent Labial, nanggaling ang inspirasyon mula mismo sa mga tauhan ng barangay.

Dagdag ni Jumawan: "Iligan City is also a big fan ng PBB--bahay ni Kuya. Ako mismo, big fan ng PBB, gabi-gabi nanonood kami ng misis ko sa PBB.”

BAGONG BAHAY
Bukod sa kilalang disenyo ng gusali, kuwento ng barangay, katuparan ito ng paghahangad nila ng panibagong opisina.

"Ever since kasi, maliit 'yong barangay hall ng San Miguel," ani Jumawan.

"Ito rin 'yong gusto ng mga mamamayan sa Barangay San Miguel na magkaroon ng malaki, disente at bonggang barangay."

Ayon sa punong barangay, nang magsimula pa lang ang kanilang termino noong 2016, nagpasa na sila ng resolusyong humihingi ng pondo para sa pagpapatayo ng bagong gusali.

Noong sumunod na taon pa ito napagbigyang pondohan ng tanggapan in Iligan City Rep. Frederick Siao, na dumalo sa pagpapasinaya. Halos P5 milyon ang inilaan sa proyekto.

Umabot ng 8 buwan ang pagpapatayo ng barangay hall na sinimulan noong unang bahagi ng 2020.

Nagkasundo man ang buong konseho ng barangay sa disenyo, pinagdebatehan kung ipatatayo ito sa puwesto ng dating barangay hall o sa bagong site.

Sa huli, itinayo ang "Bahay ni Kap" sa Miguel Sheker Park, na ayon kay Jumawan ay nasa sentro ng barangay.

Mainam din aniya ang puwesto nito dahil matatanaw ito mula sa kalsada at madaling bisitahin ng mga residente.

"Maganda siya saka unique tingnan, saka ‘yong sabi nga nila, magiging parang isang landmark ng Barangay San Miguel," sabi ni Jumawan.

‘TOTOONG BUHAY’
Dahil sa potensiyal ng barangay hall na maging tourist spot, plano ng barangay na lalong pagandahin ang paligid nito.

Kukuha ng landscaper para taniman ng ornamental plants sa harapan.

Ipatatayo rin ang barangay health center sa likod nito.

Sabi ni Jumawan, wala man silang mga artista, may ipantatapat sila sa "teleserye ng totoong buhay," lalo’t mga isyu ng tunay na buhay sa kanilang lugar ang tinutugunan sa "Bahay ni Kap".

“Sa ngayon, walang confession room, pero may nilagay kami na mga CCTV, hindi confession room kundi session room. Doon kami magmi-meeting... tapos may mga CCTV na nakalagay sa loob at labas ng 'Bahay ni Kap.'”

At gaya ng PBB house na napapanood ang pangyayari sa loob nang 24/7, plano ng Barangay San Miguel na ipa-live stream ang mga pulong ng barangay.

“Para rin iyon sa transparency program ng administrasyon para makita nila na transparent tayo at pinapakita natin ang transparency and accountability at 'yong interaction with the people,” sabi ni Jumawan.

Anila, hindi lang kasi sa itsura makikita ang halaga ng isang gusaling pambayan kundi lalo na sa kung para saan ito gagamitin at paano ito mapakikinabangan.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT