Higit 200 residente sa Sarangani inilikas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 200 residente sa Sarangani inilikas

Yen Mangompit,
ABS-CBN News
Published Dec 18, 2019 07:01 PM PHT

MALUNGON, Sarangani - Inilikas na ng lokal na pamahalaan ang nasa 277 na residente ng tatlong barangay sa bayan na ito matapos ang serye ng pagyanig sa Mindanao simula nitong Linggo.

Nasa 142 mga residente ang apektado sa Barangay JP Laurel; 47 naman sa Purok Pangyan sa Barangay Poblacion; at 88 sa Barangay Upper Biangan.

Mula sa kanilang mga tahanan, namamalagi ang mga apektado ngayon sa mga evacuation center ng kanilang mga barangay.

Ayon sa alkalde ng Malungon, nakitaan ng mga tension cracks ang ilang barangay sa bayan. Ilang bahay at silid-aralan na rin ang bahagyang gumuho dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa.

ADVERTISEMENT
Naka-activate na ang Incident Command Post ng Malungon at nakahanda na rin ang relief packs para sa mga nagsilikas na residente.

Inaasahan pang aaakyat ang bilang ng mga apektado dahil sa mga serye ng aftershocks.