Buntis na nadaganan ng pader sa Davao del Sur, humihingi ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buntis na nadaganan ng pader sa Davao del Sur, humihingi ng tulong

Buntis na nadaganan ng pader sa Davao del Sur, humihingi ng tulong

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakatakbo ang kaniyang mga kasama ngunit naiwan siya kasama ang tatlong iba pang tindero na nadaganan ng pader. John Jomao-as.

Isang babaeng 8 buwang buntis ang humihingi ng tulong matapos masugatan nang madaganan ng pader sa palengke ng bayan ng Padada, Davao del Sur noong Linggo.

Kuwento ni Darlene Montalvo, kasama niya ang mga kapwa niya tindera ng bulaklak sa palengke nang mangyari ang lindol.

Nakatakbo ang kaniyang mga kasama ngunit naiwan siya kasama ang tatlong iba pang tindero na nadaganan ng pader.

Dagdag pa ni Montalvo, agad siyang humingi ng tulong dahil nakaramdam na siya ng sakit.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Darlene Montalvo, tiniis niya ang sakit para mailigtas ang kaniyang ipinagbubuntis.

Ang mga pedicab driver na nasa lugar ang tumulong sa mga tinderong naipit ng pader.

Ayon kay Montalvo, tiniis niya ang sakit para mailigtas ang kaniyang ipinagbubuntis. Naisip rin umano niya ang kaniyang dalawang anak.

Dahil sa tinamong sugat sa binti, hirap sa paglakad si Montalvo at kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang bahay.

Hiling niya na matulungan ng pamahalaan na maipagamot ang kaniyang binti, gayundin na mabigyan ng mapapagkakitaan ngayong hindi na siya makakapagtinda ng bulaklak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.