Surigao City nagtamo ng matinding pinsala mula sa bagyong Odette | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Surigao City nagtamo ng matinding pinsala mula sa bagyong Odette

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2021 09:07 AM PHT

Mahihirapang pasukin ang Surigao City sa ngayon dahil lahat ng daan papasok at palabas ng lungsod ay nababarahan ng mga landslide at nagtumbahang puno at mga poste ng kuryente.

May mga ilang residente ang lumabas na sa kanilang mga bahay at naglakad sa kalsada, ang iba ay naghahanap ng mabibilihan ng pagkain. Problema rin sa ngayon ang malinis na pagkukunan ng maiinom na tubig.

Wasak din ang palengke sa lungsod. Sarado rin ang mga establisyemento. Halos lahat ng gusali sa lugar ay nagtamo ng matinding pinsala.

Lahat ng mga kalsada sa ngayon ay hindi pa madaanan.
Lahat ng mga kalsada sa ngayon ay hindi pa madaanan.
ADVERTISEMENT
Sa Barangay Washington na isang bulubunduking lugar, nagsagawa ng forced evacuation noong Huwebes. Gumuho ang gilid ng bundok at ang mga bahay nasa kalsada na.

Halos lahat naman ng mga bahay sa coastal areas ay na wash out ng alon.

Bagsak din ang kuryente at signal para sa komukikasyon.

Huwebes nang maranasan ang matinding pagbayo ng bagyong Odette sa lungsod. — TeleRadyo 17 Disyembre 2021