PatrolPH

TINGNAN: Pagguho ng lupa naitala sa Davao City, Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2021 04:03 AM

Naitala ang ilang pagguho ng lupa sa Davao City at Davao de Oro dahil sa malakas na ulang dala ng bagyong Odette.

Gumuho ang lupa sa Purok Tinago, Barangay Matina Crossing, Davao City Huwebes ng umaga.

Ayon kay Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Alfredo Baloran, 2 bahay ang natabunan sa nangyaring landslide.

Tatlong pamilya ang apektado, pero wala namang namatay o nasugatan sa naturang insidente.

Photo courtesy of Davao CDRRMO
Photo courtesy of Davao CDRRMO

Sa bayan ng Mawab sa Davao de Oro, nagkaroon ng minor landslide sa isang kalsada sa Sitio Pagud, Barangay Concepcion Huwebes ng hapon dahil pa rin sa sama ng panahon.

Photo courtesy of Mawab MDRRMO
Photo courtesy of Mawab MDRRMO

Ayon sa Mawab municipal disaster risk reduction and management office, 1 lane lamang ng kalsada ang nadaanan dahil sa pagguho ng lupa, pero inaksyunan na ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng clearing operation. —Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.