Kuryente sa VisMin di pa sigurado kung maibabalik bago ang Pasko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kuryente sa VisMin di pa sigurado kung maibabalik bago ang Pasko

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2021 07:22 PM PHT

MAYNILA — Milyon-milyong residente sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Odette at hindi pa sigurado kung maibabalik ito bago mag-Pasko.

Total blackout ang buong Bohol at Biliran sa Visayas pati na ang Camiguin at Surigao del Norte sa Mindanao.
Wala ring kuryente ang bahagi ng lalawigan ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Capiz at Antique.

Nawalan ng kuryente sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette.

Nasa mahigit 3 milyong residente na sakop ng mga electric cooperatives sa buong bansa ang walang kuryente, 'di pa kasali ang mga private distribution utilities gaya ng sa Cebu.

ADVERTISEMENT
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NCGP), hindi sila sigurado kung maibabalik ang kuryente sa Pasko, o 7 araw mula ngayon.

"At this point talagang di pa kami makakapagbigay ng definite timeline kasi di pa talaga kumpleto sa amin yung complete picture, di pa namin nakikita ang extent ng damage," paliwanag ni NCGP technical management department head Randy Galang.

Pero tiniyak naman ng Department of Energy na sisikapin ng gobyernong maibalik ang power supply bago mag-Pasko.

Pinasisiguro rin ng DOE ang lokasyon ng mga bakuna para ma-restore ang kuryente o mapadalhan ng generator ang mga lugar na ito.

Samantala, inaayos na ang maraming linya ng PLDT-Smart na nasira ng bagyong Odette. Buong Mindanao, walang signal mula sa telco pero malaking bahagi ng Visayas ang meron na.

Maraming bahagi rin ng Visayas at Mindanao, walang Globe signal dahil sa tindi ng pinsala ng bagyo.

Magse-set up daw ng libreng tawag at charging stations ang Globe sa mga lugar na naapektuhan sa Visayas area.

Ang Smart naman, nagtayo na agad ng libreng tawag, charging at wifi areas sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao para matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
bagyo
weather
panahon
bagyong Odette
typhoon Odette
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT