Bahagi ng National Children's Hospital nasunog, halos 200 pasyente inilikas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng National Children's Hospital nasunog, halos 200 pasyente inilikas

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2019 10:56 AM PHT
|
Updated Dec 17, 2019 07:00 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MANILA (2nd UPDATE) — Inilikas ang nasa 190 pasyente ng National Children's Hospital sa Quezon City makaraang masunog ang bahagi nito, Martes ng umaga.

Sumiklab ang sunog sa ika-7 palapag ng Building 3, na kinaroroonan ng neurology at respiratory wards, dakong alas-10:30 ng umaga, ayon sa mga fire official.

Dinala sa katapat na fastfood chain sa E. Rodriguez at sa iba pang gusali ang ibang pasyente, kabilang na ang ilan na naka-intubate pa o nakakabit sa respirator kaya kailangan gamitan ng manual resuscitator, ani Dr. Moriel Creencia, hepe ng medical professional staff ng ospital.

Naantala rin aniya ang ilang medical tests matapos mawalan ng kuryente dahil sa insidente.
Naantala rin aniya ang ilang medical tests matapos mawalan ng kuryente dahil sa insidente.
ADVERTISEMENT
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na naapula makalipas ang 30 minuto at nag-iwan ng nasa P200,000 halaga ng pinsala. — May ulat nina Zhander Cayabyab at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
sunog
National Children's Hospital
Quezon City
Bureau of Fire Protection
TV Patrol
Jasmin Romero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT