Malakas na ulan dala ng bagyong 'Odette', humupa na sa Surigao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Malakas na ulan dala ng bagyong 'Odette', humupa na sa Surigao City

Malakas na ulan dala ng bagyong 'Odette', humupa na sa Surigao City

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Humupa na ang malakas na ulan at hangin dala ng bagyong Odette sa Surigao City.

Sa kabila nito, nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyo sa siyudad, na apat na oras na binayo ng malakas na ulan hangin.

Sa kasalukuyan, balot ng dilim ang Surigao City dahil bagsak ang suplay ng kuryente, maraming mga poste ang natumba, nagkalat sa kalsada ang kawad ng kuryente, nagliparan ang mga yero, ang mga bubong, kahoy at ibang mga debris mula sa mga mga bahay at mga gusali. Napakaraming mga gusali ang nawasak ng bagyo, walang madaanang kalsada sapagkat nakatumba ang mga poste ng kuryente at mga punong kahoy.

May mga umiikot na pulis, sundalo at Coast Guard sa siyudad para magsagawa ng paunang assessment.

ADVERTISEMENT

Sa kasagsagan ng malakas na pagbayo ng super typhoon Odette, maraming mga residente ang nagkubli sa mga hotel ngunit isa sa mga hotel, ang Tavern Hotel, ay napinsala rin. Bumagsak ang mga kisame nito at pinasok ng tubig ang gusali.

Kasalukuyang kalmado na ang sitwasyon, umiikot na ang mga awtoridad upang i-check ang sitwasyon pero may report na maraming mga bahay ang nasira dito.

Wala pang ulat kung may casualty at mga report ng mga building na nawasak.

- ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.