Bagyong Odette naminsala, hinagupit ang ilang probinsiya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Odette naminsala, hinagupit ang ilang probinsiya

ABS-CBN News
Published Dec 16, 2021 07:12 PM PHT
|
Updated Dec 16, 2021 09:14 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) -- Hinagupit ng Bagyong Odette nitong Huwebes ang ilang probinsiya, dahilan para makapagtala ng pinsala ang ilang lugar at ma-stranded ang ilang pasahero.

Limang beses na nag-landfall ang bagyo na huling naitala sa bahagi ng Liloan, Southern Leyte. Nakataas na rin ang tropical cyclone wind signal no. 4 sa ilang lugar dahil sa bagyo.

Hinambalos ng malakas na ulan ang Surigao City at naglalakihan ang mga alon sa dagat kaya puspusan ang pagpapalikas ng mga awtoridad sa mga residente.

Sa siyudad, nasa 3,280 pamilya o 11,268 indibidwal ang nailikas sa 3 evacuation centers.

ADVERTISEMENT
Pero sa Surigao Del Norte, nasa 512,000 indibidwal o 17,034 pamilya na ang inilikas. Nagbukas na rin ang karagdagang evacuation centers.

Binaha rin ang bahagi ng Butuan City dahil sa magdamag na ulan. Tanging malalaking sasakyan lang ang puwedeng dumaan sa ilang kalsada. Inilikas din ang higit 1,000 pamilya.

Lagpas-tao rin ang baha sa ilang parte ng Cagayan De Oro, habang ramdam din ang bagsik ng bagyo sa Anahawan, Southern Leyte.

Sa Tacloban City, aabot sa higit 3,000 pamilya ang inilikas.

Ang mga taga-Iloilo City, naghahanda na para sa hagupit ng bagyo. Kinansela na rin ang biyahe ng mga bangka at may mga tao ding naiwan sa ferry terminal ng Parola.

Suspendido na rin ang klase at opisina sa siyudad, na naka-signal number 2.

Ang probinsiya ng Iloilo, mula pa noong Martes kinausap ang militar, pulis, at mga ahensiya bilang paghahanda sa bagyo.

Nakakasa na rin ang landslide clearing sa iba pang lugar.

Nagsagawa na rin ng forced evacuation ang Ormoc City sa ilang barangay.

Sa Cebu City naman, hindi madaanan ang ilang daanan dahil din sa hagupit ng bagyo.

Pinadapa rin ni Odette ang mga puno sa Sudlon Uno sa naturang siyudad, ayon kay Councilor Philip Zafra.

Hindi pa pinapayagan ang pagdaan ng mga tao sa ilang mga daanan habang inire-report pa ang mga ito para sa clearing.

EVACUATION
Sa Cagayan de Oro, nagsagawa na ng forced evacuation ang mga awtoridad doon simula alas-5 ng hapon. Ito ay dahil sa patuloy na ulan doon.

Idineklara na rin ang Code Red sa lungsod dahil sa banta ng pagbaha.

Mayroon nang 736 families ang nailikas sa ibat-ibang evacuation center ng lungsod.

Siksikan mga bata at matatanda sa gym ng West City Central School sa barangay Carmen. Karamihan sa kanila nakatira malapit sa Cagayan River at nakaranas na ng pagbaha sa bagyong nagdaan tulad ng Sendong, Vinta at Pablo.

Hindi man direktang madadaanan ng Bagyong Odette pero binabantayan pa rin mga otoridad ang volume ng ulan at tubig mula sa bundok para hindi matulad ang lungsod 10 taon na ang nakalipas nang binaha dahil sa Bagyong Sendong.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, umabot sa 3,440 ang mga pasahero, driver at cargo helper na stranded sa mga pantalan habang hindi pinapayagang bumiyahe ang 1,665 rolling cargoes, 78 vessels, at 11 motorbanca.

Tiniyak ng PCG na 24/7 ang monitoring ng kanilang command center sa lagay ng karagatan, habang naka-deploy na ang ibang tauhan nito sa mga apektadong lugar para sa posibleng evacuation o rescue operation.

Sa Batangas, sinabi ng city disaster risk reduction and management office na hindi pa rin pinapayagan ang biyahe sa Port of Batangas pero wala naman nang stranded na tao sa pantalan.

Inaasahan umanong hanggang Biyernes pa ng madaling araw mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Batangas.

-- May mga ulat nina Michael Delizo at Jorge Carino, ABS-CBN News; may ulat din ni Sharon Evite
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Odette
Bagyong Odette
kaligtasan
bagyo
Surigao Del Norte
Surigao City
Butuan City
weather
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT