Lalaki ninakawan umano matapos maaksidente sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki ninakawan umano matapos maaksidente sa Maynila

Lalaki ninakawan umano matapos maaksidente sa Maynila

Kevin Alabaso,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 16, 2021 11:45 AM PHT

Clipboard

Ninakawan umano ang isang lalaki matapos maaksidente habang nagmamaneho ng motor sa Maynila pasado alas-3 ng madaling araw Huwebes.

Ayon kay Jessie Icamina, barangay tanod sa lugar, nakainom umano ang biktima na kinilalang si Constant Gregorio.

Bumangga sa isang steel barrier si Gregorio habang binabaybay nito ang kahabaan ng España, ani Icamina.

Nagtamo ng mga galos sa binti at likod ang biktima. Base sa inisyal na ulat ay inaalam pa kung nabali ang kaniyang buto sa kanang braso.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kapatid ng biktima, bukod sa naaksidente si Gregorio, ninakawan din umano ito habang nakahandusay sa kalsada dahil wala na ang kaniyang ari-arian tulad ng cellphone at wallet.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.