4 patay sa sunog na sumiklab sa Bacoor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 patay sa sunog na sumiklab sa Bacoor
4 patay sa sunog na sumiklab sa Bacoor
Job Manahan,
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2023 08:52 AM PHT
|
Updated Dec 15, 2023 02:41 PM PHT

BACOOR, Cavite – Iyak, sigaw, takbo, at iba pang imahe ng paghihinagpis. Ito ang bumungad sa mga residente ng Barangay Talaba Dos nitong Biyernes ng madaling-araw nang matupok ang bahagi ng isang residential area.

Apat ang kumpirmadong patay sa insidente, kabilang ang 3 menor de edad, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ang pinakabata sa mga biktima ay 5-taong-gulang lamang, ani Fire CInsp. Alexander Dale Quiban Baena ng Bacoor City Fire Station.

Tatlo naman ang sugatan sa insidente.
Tatlo naman ang sugatan sa insidente.
Nasa 100 pamilya ang apektado ng sunog at nasa gymnasium muna sila ng barangay. Aabot sa higit P2.2 milyon ang danyos dahil dito.

“Mayroon tayong tinitingnan na isang anggulo na LPG leak ang naging cause ng ating fire. Tinitingnan pa ng ating mga investigator, kino-confirm pa kung ‘yun talaga ang ating cause. Base sa testimony ng ating mga witnesses, possible na ‘yun ang pinagmulan ng sunog,” ani Baena.

Nahirapan aniyang rumesponde ang mga bumbero dahil sa sikip ng daan. Mabilis kumalat ang apoy dahil puro light materials ang mga bahay. Palubog din ang lugar papasok ng apektadong mga lugar dahil palaisdaan ang nasa harapan nito.

“Masikip at hindi talaga naaabot ng fire truck [ang lugar]. Kung makikita natin, talagang eskinita lang talaga siya. Kaya noong nandoon tayo, pinilit natin na pasukin ang masukal na daan. Parang dalawang tao lang ang kasya doon,” ani Baena.

“‘Yung pagkalat, when it comes to these types of occupancy, mga light materials yan. Alam naman natin na sa informal settlers ay nilalagay nila diyan sa dingding o wall nila ay mga coconut lumber pati ‘yung ano nila, hindi firewall ‘yun, maninipis na yero,” dagdag niya.

MGA BANGKAY DI PA NAREREKOBER
Hindi pa rin narerekober ang mga bangkay ilang oras matapos maapula ang sunog dahil kailangan pa itong iproseso ng SOCO. Pagkatapos nito, hihintayin naman ang punerarya para maligpit nang maayos ang katawan ng mga biktima.

Hindi makausap ang ina at ama ng ilan sa mga nasawi.

“Naaano na sa social media ang mga pamangkin at kapatid ko. Umaambon na, kapag bumagsak ‘yan, kawawa naman,” ani Jessalyn Rodriguez, panganay na kapatid ng dalawa sa mga biktima.

“Masakit sa amin na pinagmamasdan ‘yung mga kapatid namin doon, pamangkin ko na ganoon ang hitsura. Masakit sa amin ‘yun, sobra-sobra.”

Amoy gasolina aniya sa bahay na pinangyarihan ng sunog.

“‘Yun ang naamoy nila (mga nakaligtas sa sunog), kahit ang mga damit nila ay amoy gasolina. Kaya ‘yun ang gusto naming paimbestigahan,” aniya.

Nagpaalala naman si Baena tungkol sa kahalagahan ng fire drills.

“Yung mga ganitong klaseng residential area, sana huwag natin kalilimutan na bawat kuwarto may lalabasan tayo,” aniya.

“Sakaling may ganitong klaseng insidente, dapat makakalabas tayo sa bahay. Dapat pina-practice natin paano tayo lalabas. Lalo na sa mga ganitong mga bata.”