Boracay posibleng gumuho dahil sa mga sinkhole: MGB | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Boracay posibleng gumuho dahil sa mga sinkhole: MGB

ABS-CBN News
Published Dec 15, 2022 05:31 PM PHT

Pinag-iingat ng Mines and Geosciences Bureau-Region VI (MGB-6) ang mga residente at turista sa isla ng Boracay dahil sa nakitang mahigit 800 na sinkhole sa isla.

Ayon kay Engr. Mae Magarzo, hepe ng MGB 6, posibleng lumubog ang mga gusali sa pagguho ng lupa dahil sa mga naturang sinkhole.

“Kung sobrang bigat ng structure, nag-a-add ng weight, plus the fact na natutunaw ‘yung ilalim. Only time can tell [kung kailan siya guguho]," sabi ng opisyal.

Dagdag pa niya, ang sinkholes ay land depressions na nabubuo kapag natatanggal ang suporta sa ilalim dahil sa lindol o dahil sa pagbaba ng tubig sa lupa.

Napag-alaman na ang kabuuan ng Boracay ay limestone.

"Ang chemical composition ng limestone is calcium carbonate. When it comes in contact with acid, unti-unti siyang matutunaw. Basta may water, lalo na acid rain... That is why we want the carrying capacity of Boracay observed. As you could see in our geo-hazard map, almost all of the island is highly susceptible,” ani Magarzo sa panayam sa telepono.

Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping noong 2018, natukoy sa Boracay ang 789 sinkholes; 801 noong 2019; 814 noong 2020, at 815 mula 2021 to 2022.

Nakakalat umano ang mga sinkhole na ito sa 3 barangay sa isla ng Boracay.

— Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT