Tourism dep't nanindigang kailangang sundin ang Boracay carrying capacity | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tourism dep't nanindigang kailangang sundin ang Boracay carrying capacity

ABS-CBN News
Published Apr 20, 2022 07:47 PM PHT

Nanindigan ngayong Miyerkoles ang Department of Tourism na kailangang sundin ang mga eksperto sa itinakdang carrying capacity ng Boracay para maprotektahan ang isla sa over-tourism.

Mainam din ang carrying capacity na 19,215 para matiyak na nasusunod ang health at safety protocols ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

"It's about studies. We will rely on experts if it could be increased... Even tourists don't want to go to a place that is overcrowded," ani Puyat.

Pag-aaralan kasi ng local government unit (LGU) ng Malay, Aklan kung hihilinging dagdagan ang bilang ng mga turistang puwedeng tanggapin sa Boracay, ani Mayor Frolibar Bautista.

ADVERTISEMENT
"Baka kailangang i-review din 'yan," ani Bautista.

Inamin din ni Bautista na hindi nakontrol ang dami ng mga turistang bumisita noong Semana Santa, kung saan umabot sa higit 22,000 ang mga pumunta sa isla, lagpas sa carrying capacity.

Nag-alangan umano ang LGU na pabalikin ang mga turista. Hindi naman umano puno ang mga hotel.

Ayon naman kay Undersecretary Epimaco Densing, nagbabala na ang Department of the Interior and Local Government sa Malay LGU dahil sa paglagpas sa capacity.

Wala rin umanong plano sa ngayong baguhin ang limit sa dami ng mga turistang tatanggapin sa Boracay.
Wala rin umanong plano sa ngayong baguhin ang limit sa dami ng mga turistang tatanggapin sa Boracay.
ADVERTISEMENT
Wala pa rin umanong plano ang gobyernong ibalik ang Laboracay, na malaking pagdiriwang sa isla tuwing Labor Day.

Samantala, umarangkada rin ngayong Miyerkoles sa Pilipinas ang World Travel and Tourism Council Global Summit, kung saan nagtipon-tipon ang iba-ibang lider ng turismo galing sa iba-ibang bansa.

Ayon sa World Travel and Tourism Council, inaasahan nila na mas lalago pa ang turismo sa Pilipinas sa susunod na 10 taon na magbibigay ng halos 3 milyong bagong trabaho sa bansa.

Inaasahan din ang mas madalas na pagbiyahe ulit ng mga Pilipino sa susunod na taon dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at pagluwag ng restrictions.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
turimso
Boracay
carrying capacity
Department of Tourism
Malay
Aklan
DILG
World Travel and Tourism Council Global Summit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT