ALAMIN: Kailan dapat magtungo sa clinic o teleconsult habang 'new normal' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Kailan dapat magtungo sa clinic o teleconsult habang 'new normal'

ALAMIN: Kailan dapat magtungo sa clinic o teleconsult habang 'new normal'

ABS-CBN News

Clipboard

Nagsasagaw ng online medical consultations ang mga doktor sa Marikina City Health Office sa larawang ito noong Abril 6, 2020. Jire Carreon, ABS-CBN News

MAYNILA – Maraming ospital ang nag-aalok ng teleconsultation ngayong limitado ang transportasyon at may agam-agam ang ilan na mag-walk in habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Payo ni Cheridine Oro Jose ng Philippine Academy for Family Physicians, kung nakakaramdam ng ubo at sipon ay mas mainam na magpa-teleconsult na lang muna.

"Kung ang ating mga sintomas ay simple halimbawa ubo sipon lagnat meron tayo sa lahat ng ospital na teleconsultation o by appointment na walk-in," ani Jose.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasama sa tinitingnang sintomas ng COVID-19 ay ang ubo at lagnat.

ADVERTISEMENT

Pero kung magwo-walk in, may ilang dapat tandaan, ayon kay Jose.

Una ay dapat naka-face mask at face shield pagpasok ng clinic.

Dapat ding mag-book ng appointment sa clinic dahil bawal nang pumila sa labas ng pasilidad.

Tiniyak naman ni Jose na hindi nagtataas ng singil ang mga clinic dahil sa online consultations.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.