Libreng pag-aaral, trabaho alok sa out-of-school youths | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libreng pag-aaral, trabaho alok sa out-of-school youths

Libreng pag-aaral, trabaho alok sa out-of-school youths

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patapos na ang pagsasanay ng scaffolding nina Shera Samson at Michael Gingco sa isang training center sa Quezon City.

Isang taon lang ang natapos ni Samson sa kolehiyo dahil kinapos ng pang-tuition habang high school graduate naman si Gingco, na naging scaffolder sa Japan.

Pagkatapos ng training na ipinagkaloob ng isang non-profit organization, target ng 2 makahanap ng mas magandang trabaho.

"In case maging safety officer ako, alam ko 'yong tama o maling pagkakabit ng scaffolding," ani Samson.

ADVERTISEMENT

"Kailangan ko lang talagang magtrabaho kasi mahirap maging tambay. Kailangan mayroon kang goal sa buhay," ani Gingco.

Sa ilalim ng programang Youth Economic Empowerment ng Plan International, tinutulungan ang mga out-of-school youth na magkaroon ng sapat na kakayahan at mabigyan ng trabaho sa mga ka-partner na kompanya ng organisasyon.

Target ng programang matulungan ang 30,000 out-of-school youth hanggang 2022.

Pasok sa programa ang mga may edad 18 hanggang 29 at high school graduate. Kabilang naman sa mga pribilehiyo ang daily allowance habang sumasailalim sa training.

Plano rin ng Department of Labor and Employment na ilagay sa job search potral ng Philjobnet ang online chatbot na "Tessa" mula sa Plan International. Kaya nitong amag-alok ng trabaho, training at gumawa ng resume sa pamamagitan ng pakikipag-chat.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.