FDA nagbabala laban sa supplements na pampaputi, pampalaki ng muscle | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA nagbabala laban sa supplements na pampaputi, pampalaki ng muscle

FDA nagbabala laban sa supplements na pampaputi, pampalaki ng muscle

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa ilang food supplement na pampaputi at pampalaki ng muscle.

Sa advisory ng FDA, hindi rehistrado sa kanila ang Genwhite Glutathione at Musclemeds Amino Decanate kaya hindi sigurado kung epektibo o ligtas itong inumin.

Bukod dito, mahaba rin ang listahan ng FDA sa mga dietary supplement na hindi pinapayagang ibenta sa merkado. Una raw lumabas sa post-marketing surveillance ng FDA na walang certificates of product registration ang mga naturang produkto.

Dahil hindi rehistrado, hindi sumailalim sa evaluation process ang mga naturang produkto kaya hindi isinasantabi ng FDA ang posibilidad na makasama sa kalusugan ng consumer ang iinom ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Nagbabala rin ang FDA ng kaukulang kaso sa mga magbebenta ng mga produktong hindi rehistrado sa kanila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.