6 patay sa pagguho ng bahay sa Quezon City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 patay sa pagguho ng bahay sa Quezon City

Fred Cipres,
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2018 03:59 AM PHT
|
Updated Dec 15, 2018 10:29 PM PHT

Patuloy ang rescue operation sa gumuhong bahay sa Sitio Bathala Brgy Bahay Toro. Anim na ang nakuha mula sa guho habang isa pa ang hinahanap pa @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/8AGZWa3aHU
— Fred Cipres (@RPfredcipres) December 14, 2018

Anim ang kumpirmadong namatay sa pagguho ng isang bahay sa Culiat Creek, Sitio Tathala, Bgy. Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado.

Nasawi sina Nilo Manguso, 46; Ryan Rigueros, 31; Benito Añora, 45; Jun Gabin; Ronald Conde, 65; at Rey Gestro, ayong kay PO1 Armed Pascual, imbestigador ng insidente.

Ginagamot naman sa ospital si Efren Milan na kasama sa mga na-rescue mula sa guho at Fredericko Rigueros na nagtamo ng sugat sa katawan matapos tumalon habang gumuguho ang bahay.

Ayon kay Mike Marasigan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, may nakita silang paglabag sa 3-meter easement sa mga waterways ang bahay na gumuho. Nasa creek na kasi ang pundasyon ng itinatayong extension ng bahay ng biktimang si Rigueros.

ADVERTISEMENT
Posible umanong lumambot ang lupa ng kinatatayuan ng pundasyon dahil sa pag-uulan kaya ito bumigay.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang engineering department ng Quezon City dahil hindi lamang ang gumuhong bahay ang nakitang lumalabag sa 3-meter easement.

Nanawagan naman ang iba pang residente na ma-relocate.

Pero ayon sa lokal na pamahalaan ng QC, matatagalan pa ito dahil bukod sa magkakahati at iba iba ang may ari ng lupa sa lugar, wala ring maibigay na relocation site ang National Housing Authority.

Aminado kasi si Frederico Rigueros na wala silang titulo sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Depensa niya, pinayagan umano ng kapitan ng barangay ang pagpapatayo ng bahay sa lugar.

Pero ayon kay QC administrator Aldrin Cuña, hindi dapat pinapayagang magtayo ng mga estruktura sa tabi ng daluyan ng tubig, base sa batas.

"Ipinatong ang estruktura doon mismo sa riprap which is technically already a violation of the national building code and even the water code," ani Cuña.

Nagpaalala siyang isumbong sa kanila ang ano mang ilegal na estrukturang ipinatatayo sa lugar.

-- May ulat nina Angel Movido at Lady Vicencio, ABS-CBN News
Read More:
Tagalog news
Quezon City
QC
concrete house
PatrolPH
Barangay Toro
Aldrin Cuña
Mike Marasigan
Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT